Ahem.
Bat ba yan ang title neto? Well, isang honest obsevation lang naman ng mga matang nakabit sa utak ko. Tungkol saan? Sa isang sikreto ng mga taong magaling mag-advice.
Siguro alam niyo na lahat ito. Wala lang gusto ko lang i-type para… naka-type.
Mga magaling mag-advice— ang talking about those people na nilalapitan natin in times na tayo’y naguguluhan at hindi na alam ang gagawin. Then they will say something that will, somehow, lighten the burden inside our “dibdib”. At that moment, in that specific point in time, these people are the invinsibles that we look upon. Feeling natin nasa dila nila lahat ng gusto natin marinig; payo, pampakalma, justifications, resolutions, laway, at kung anu-ano pang mga salita na makakapagsalba sa atin sa panandaliang sakit.
Ano ba talaga sila? Tao ba talaga sila? Hindi kaya sila’y mga fossils? Baka dati silang chicharon? Bakit ang dami nilang alam? Bakit nasasabi nila ang mga gusto nating marinig? May black and white bang rainbow? Let’s see…
Sabi nga sa friendster comment ng isa kong classmate back in highschool — para daw akong isang … INIDORO. At shempre nainis ako pero binasa ko pa rin. Kasi daw, inaaccept ko lahat ng mga nagkukwento sakin. I’m a good listener daw. Hahaha! Astig naman pala eh. Parang inidoro daw. Lahat ng tae tinatanggap. Kahit galing sa kaninong tao. Asar no? ok na sana description niya eh. Hindi daw ako napupuno kahit magsabi sakin ng sikreto ang buong school na may halos 6000 na estudyante. Sana lang buhay pa ko pagkatapos nilang sabihin mga sikreto nila. [Gusto ko sanang replayan, napupuno din naman ang inidoro ah! ang baho nga eh... kaso naisip ko, iba ang dating sakin nun...XD]
What’s my point? This is one of the best qualities of a good adviser. [tama ba? adviser?] Ang maging inidoro. Isang magaling na listener. And in fact, kung iisipin mo, ito lang naman ata ang kailangan para maging magaling na adviser. Let’s take a look at a simple process of “naglalabas-ng-sama-ng-loob” [hindi sa inidoro ah]…
troubled guy —>(talks to)—> a good friend -(listens/meditates)—>(give advice)—> troubled guy
A very simple illustration. The troubled guy goes to his friend whom he thinks to be a good adviser. The friend then listens. Then he will think of things to say then deliver it. Simple. Simple for simpletons. What really happens is that, the “friend” (or anyone who will give the advice) have to look back and trace the troubled guy’s life. How he knew him. Who he is. Who are the people he loves. And everything about the person. After collecting the datas, he will then relate this to his own life. His own experiences. Then he will try and evaluate his own resolution if it fits the personality of the troubled guy. And only after all the thinking processes are done will he deliver his advice to the guy. Whew! Yun nga ata ang pinagdadaanan ng isang taong nag-a-advice! Pero ngayon ang tanong, pano nila nasasabi ang mga nasasabi nila? Bakit alam ng friend mo kung ano ang gusto mong marinig pag problemado ka? Bakit tila nagdidilang anghel sila? Bakit atheist si John Lennon? At bakit kumakalma ka after niyo mag-usap kahit alam mong hindi mo naman masusunod ang mga sinasabi niya?
Simple lang ang sagot—
Dahil hindi sila ang nasa kalagayan mo.
Meaning, nakikita nila ang buhay mo from above. Madali nilang magets kung ano ang nangyayari sa paligid mo dahil naka-”overview” lang sila as in spectators. Para silang agila at ikaw ang daga sa isang gubat. Sabihin na nating isa kang balisang daga. Kinakabahan ka ng hindi mo alam kung bakit. Gumagana ang iyong “spider instinct” kung meron ka man. Nakikita ng agila ang panganib na maaaring dumating — halimbawa ay ang parating na ahas na ilang metro lang ang layo. At dahil ang daga ay nasa lupa rin, hindi niya ito makikita. Pero kung tatanungin niya ang agila, pwede niyang maiwasan ang ahas na magdadala sa kanya sa loob ng siopao. Hindi ko lang sure kung pano niya tatanungin yung agila…
After all the explanation, nasabi ko na ba yung sikreto ng magagaling mag-advice? HINDI PA.
So, eto na.
Ang sikreto ng mga taong magaling magbigay ng advice —
Hindi nila maisabuhay ang advices na binibigay nila sa oras na maranasan nila ang kaparehong problema ng kanilang pinayuhan.
Wahahaha! So far, marami ng nagpatunay nyan! Most of the people I know na magagaling mag-advice eh tumitiklop din when faced with the same problem! Lalo na ako! Wahahaha!
Nagtatanong ka bakit ganon? Well, unlike dun sa agila at sa daga, ang tagapayo at ang pinapayuhan ay pwedeng magpalit ng posisyon anytime…
Kaya lahat ng tao, pati ikaw, ay pwedeng maging magaling na tagapayo!
(Parang rushed masyado tong ending nito no? antok na ko eh…)
Goodnight sa inyong lahat!
[Disclaimer (at the end): Kung hindi ka sang-ayon sa mga nabasa mo, magbasa ka na lang ng horoscope...]