Masarap ang rice! XP

Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit kelangan ko to isulat dito kaya wag ka ng magtatanong, ok?

Ahem! Umpisahan na natin! ;D

Gusto ko lang i-share sa inyo ang karanasang nagbago sa gabi ko. Hindi maipaliwanag ang saya na aking naramdaman! Hindi maalis ang ngiti at bahagyang pagtawa sa mukha ko. Minsan ko lang maramdaman ang tuwang mula sa puso. Oo, pangungunahan ko na kayo; maliit na bagay lang ang tinutukoy ko. Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko. Kahit sa simpleng bagay lang ay sumasaya na ako.

Ang pinakamabangong KANIN.

Hindi ko lubos na maipaliwanag kung bakit naging masaya ako matapos kong madiskubre kung paano lutuin ang pinakamabangong KANIN. Hindi ko naman ito binalak. Ang lahat ay aksidente. Wala sa plano, ngunit nagawa akong pangitiin at patawanin ng walang humpay.

Hayaan nyo kong isalaysay ang mga pangyayari.

Lumubog na ang araw. Oras na para maghanda ako ng hapunan. Pumunta ako sa lababo at nakita ko ang mangilan-ngilan na hugasin. Haghugas muna ako at naglinis ng lababo. Hayan! handa na akong magluto ng kanin! Pero teka, katatapos ko lang maglinis nung lababo, madumi ata ang kamay ko. Dali dali kong hinanap ang aking…

Casino Ethyl Alcohol 70% Solution Antiseptic Disinfectant

…at binuhusan ko ang aking dalawang kamay hanggang sa maramdaman ko ang lamig na nag-uumapaw sa aking balat! Ok na. Malinis na ang kamay ko! Diretso ako sa kusina at sabay hugas ng bigas! Mayamaya pa’y… TING!!! Tunog iyon ng rice cooker! Luto na ang aking KANIN! Dali dali kong inangat ang salaming takip. Tumagas ang halimuyak ng KANIN! Napakabango! Ngayon lang ako makakakain ng ganito kabangong kanin! Makalipas ang ilang segundong pag-amoy, napaisip ako. Mukhang may kaparehas na amoy. Tapos akin ngang naalala. Ito ang amoy ng aking…

Casino Ethyl Alcohol 70% Solution Antiseptic Disinfectant.

Matapos kong maalala ay halos mangiyak-ngiyak ako… sa katatawa. And I ate happily ever after…