laugh

Humigit kumulang dalawang taon na yata ang nakakalipas… pumunta ako ng Makati Cinema Square dyan sa may Makati… para bumili ng pirated na mga kalakal… dvd’s, burned mp3 cd’s, ps2 games, squidballs, you name it, i bought it… after ng aking pirated shopping spree, dumiretso na ako sa meeting place namin ng aking super bestfriend — a 5 ft. tall [hindi ako sure kung umabot nga sya ng 5'... XD] super cute meztisang little girl na itatago na lang natin sa pangalang… Patrick… XD

so ayun, nasa likod ako ng MCS sa may tapat ng KFC, naghihintay… antagal ni Patrick [yuck ang pangit basahin...]… wala ako magawa kaya pinanood ko na lang mga tao sa paligid… at dito ko nasaksihan ang isang usapang nagbago sa boring na moment…

squidball vendor: Manong, pautang naman ako ’sang daan…

steamed corn vendor: Huh?! Marunong ka bang magmura? … murahin mo na lang ako.

humagalpak ako ng tawa… shet… ang ikli lang ng dialogue nila pero hindi agad ako nakamove-on… ikaw ba naman ipagpalit mo dignidad mo, magpapamura ka na lang kesa magpautang! wahahaha! XD… tawa ako ng tawa… kaso bigla ko napansin… bukod sakin, wala ng ibang tumatawa… kahit yung dalawang vendor… asar nga eh… hindi nila naapreciate yung sarili nilang hirit… basta ako pinili ko tumawa kesa umutot sa gitna ng Makati…

tapos napaisip na ko after nun…

HUMOR.

bakit ang nakakatawa sa iba ay hindi nakakatawa sa iba? bakit may corny? bakit natatawa sila kay ogie alcasid eh di hamak namang mas ok si michael v.? ano ang “wit”? ano ang intelehenteng joke? bakit may tinatawag na pang-masang joke? san sinulat ang Mi Ultimo Adios? at ano ang sikreto ng humor?

hindi ko na kelangan ipaliwanag… alam natin lahat ang sagot sa mga tanong na yan… ang ating pagtanggap sa jokes/humor ay nakabase sa ating personalidad… kaya hindi ibig sabihin na pag nakakatawa ka eh tatawa na lahat ng tao… highly subjective ika nga…

alam nating lahat yan… naiintindihan natin yan… pero diba? ang sarap isipin kung bakit ganun… lalo na pag wala ka talagang magawa at umiinom ka pa ng kape sa isang hapon na malamig ang simoy ng hangin at masarap matulog…