Dalawampung Mga Bagay Tungkol Sakin!
1. Mataba ako. Alam natin lahat yan. At proud ako dun! Wahahaha! ;D
2. Favorite ko Sinigang! Kahit anong klaseng sinigang ‘wag lang Sinigang na taho.
3. Mahilig ako sa kulay PINK!! Oo!! Tama! At walang pakialamanan! Eh sa maganda eh! XD Ang iba kong favorite colors ay Yellow, at Baby Blue. Ayaw ko na iexplain.
4. Gusto kong magkaroon ng Ninja industry sa Pilipinas. Para malaman ko kung anong klaseng usok yung smoke bombs.
5. Mahilig ako, as in SOBRA, sa STUFF TOYS. Lalo na pag rabbit at pig! wahahaha! ;]
6. Madali akong mabilib sa mga magaling manamit. Lalo na ‘pag iisang kulay lang suot nya.
7. May balat daw ako sa pwet. Pero sinabi rin ni Mama sakin ang totoo, “Anak, napaupo ka
sa kawali. Naprito ang pisngi ng iyong butt.”
8. Takot ako sa Dentista hanggang sa ngayon. Feeling ko hindi sila friendly. Baka ibenta ako sa Bumbay.
9. Hindi ako kumakain ng dugo. Dahil hindi ko alam kung pano ‘to kainin ng hindi ko malalasahan.
10. Marunong ako ng lahat ng gawaing bahay. Sa laki kong ‘to, naglalaba ako at naglilinis at iba pa! Hindi nga lang palagi! Wahahaha! XD
11. Aspiring DIRECTOR ako!!! Tama ba spelling ng “aspiring” ko?
12. BOBO ako sa Math. Tanggap ko yun. Magpu-push up na lang ako kesa mag-Math. Sana kaya ko magpush-ups… XD
13. Floating lang ang alam ko sa Swimming. Ayoko iexplain.
14. Mahal ko ang Arts. Kahit anong klase. Mahal ko rin ang bowling. Sa hindi malamang dahilan.
15. Hinanap ko ang room TBA sa 8th floor. Dati pa yun nung first year ako. Sabi kasi ng guard eh! Tsktsktsk! Yun pala “To Be Announced”.
16. Ayon sa aking mga kakosa, I’m 1% Serious and 99% Nonsense! Ewan ko ba sa kanila… Hindi naman ako makulet.
17. Mama’s boy ako! Mahal ko si Mama! Angal ka? Sumbong kita kay Mama…
18. Mahilig akong MAG-KAPE. AS IN!!! Todo! Umaga, Tanghali, Hapon, Gabi, Hatinggabi, Madaling araw, at sa pagitan ng mga ito! XD
19. HINDI ako umiinom ng alcohol o NAGYOYOSI ng YOSI. Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ng iba yun. Ang bantot kaya.
20. Christian ako. Mahal ko ang Diyos at walang makakapagbago nun! Kahit sino ka pa. Kahit Alien o Predator.


No comments yet
Mga punang ulat sa akdang ito.